|
||||||||
|
||
Sa isang artikulong inilabas Sabado, Setyembre 15, 2018, ng "Rodong Simun," opisyal na pahayagan ng Hilagang Korea, binatikos nito ang duda ng ilang politikong Amerikano sa katapatan ng Hilagang Korea sa pagpapabuti ng relasyon nito sa Amerika at pagsasakatuparan ng target ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula. Ipinagdiinan nitong dapat ipakita ng panig Amerikano ang pagtitiwala at paggalang sa Hilagang Korea sa aktuwal na aksyong tulad ng pagpapalabas ng deklarasyon ng pagbibigay-wakas ng digmaan.
Anang artikulo, palagiang ipinalalagay ng panig Hilagang Koreano na ang pagdedeklara ng pagwawakas ng digmaan ay pangunahing paksa para pangmalayuang pagilan ang giyera sa Korean Peninsula at maitatag ang pagtitiwalaan sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika.
Dagdag pa nito, upang maisakatuparan ang ligtas na Korean Peninsula sa sandatang nuklear, dapat isagawa ng Amerika ang mga inaasahang hakbangin. Sa aspekto ng pagpapalabas ng deklarasyon ng pagwawakas ng digmaan, may pinakamalaking responsibilidad at obligasyon ang Amerika, anito pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |