Nag-usap sa Pyongyang, Setyembre 18, 2018 sina Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea at Kim Jong-un, Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea.
Ipinahayag ni Tagapangulong Kim na kasalukuyang bumubuti ang relasyon ng Hilaga at Timog Korea, at Hilagang Korea at Amerika. Aniya, ito ay makakatulong sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Pangulong Moon na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang pag-uusap na ito. Umaasa aniya siyang magiging mabunga ang kasalukuyang pag-uusap.