Binuksan ngayong araw, Miyerkules, ika-19 ng Setyembre 2018, sa Tianjin, lunsod sa hilaga ng Tsina, ang Ika-12 Summer Davos Forum, o tinatawag na taunang pulong ng World Economic Forum New Champions.
Sa kanyang talumpati sa sesyon ng pagbubukas, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na mas malakas na pasusulungin ng kanyang bansa ang pagbubukas sa labas, komprehensibong palalalimin ang reporma, ibayo pang paluluwagin ang market access, palalakasin ang transparency ng mga patakaran, at isasagawa ang mas pantay-pantay at makatarungang pagsusuperbisa.
Isinalaysay din ni Li ang mga bagong kalagayan ng kabuhayang Tsino, na gaya ng paggagalugad ng mga bagong elementong tagapagpasulong sa paglaki ng kabuahayan, pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, pagbibigay-ginhawa sa pribadong kabuhayan, at iba pa.
Salin: Liu Kai