Kinatagpo Hunyo 26, 2017 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang Chairman ng World Economic Forum(WEF) na si Klaus Schwab at mga kinatawang dumalo sa 2017 Summer Davos Forum, na binuksan sa Dalian, lalawigang Liaoning, Tsina.
Ipinahayag ni Li na ang tema ng nasabing porum ay: Pagsasakatuparan ng Inklusibong Pag-unlad ng Ikaapat na Industry Revolution. Ito aniya'y may konstruktibong katuturan sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig. Positibo aniya siya sa isinasagawang pagtutulungan sa pagitan ng WEF at Tsina. Tinukoy ni Li na magkasamang isinabalikat ng komunidad ng daigdig ang tungkulin at hamon sa pagpapasulong ng muling pagsigla ng kabuhayang pandaigdig, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng koordinasyon sa patakarang makro, pagpapasulong ng trade and investment facilitation, at pagtatatag ng bukas at makatarungang sistemang pangkabuhayan ng daigdig. Aniya, patuloy na palalalimin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas ng bansa. Ipinahayag naman ni Schwab ang pagpapahalaga sa mga may-kinalamang patakarang isinasagawa ng Tsina. Nakahanda aniya ang WEF na ibayong pahigpitin ang pangmatagalan at konstruktibong pakikipagtulungan sa Tsina, para magkasamang pasulungin ang kasiglaan at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.