|
||||||||
|
||
Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo Setyembre 18, 2018 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga lider dayuhan na dumalo sa World Economic Forum 2018 Summer Davos, na kinabibilangan nina Pangulong Kersti Kaljulaid ng Estonia, Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia, Pangulong Raimonds Vējonis ng Latvia, at Punong Ministro Tuilaepa Lupesoliai Sailele Malielegaoi ng Samoa.
Sa pakikipagtagpo kay Pangulong Kersti Kaljulaid, ipinahayag ni Pangulong Xi na magkakapantay-pantay ang lahat ng mga bansa sa daigdig, malaki man o maliit. Positibo aniya ang Tsina sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, paggagalangan sa isa't isa, at win-win situation. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Estonia para palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, pasulungin ang ugnayan ng "Belt and Road Initiative" at pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng Estonia, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat- ibang larangan at iba pa. Aniya, suportado ng Tsina ang integrasyon ng Europa, at nakahandang magkasamang pangalagaan ang multilateralismo para pasulungin ang bukas na kabuhayang pangdaigdig.
Ipinahayag naman ni Kaljulaid na positibo ang Estonia sa ideya ng Tsina na magkakapantay-pantay ang lahat ng mga kasapi ng komunidad ng daigdig, at mahalagang papel ng bansa sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniyang magsikap ang Estonia, kasama ng Tsina para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at pangalagaan ang regulasyon at kaayusang pandaigdig.
Sa pakikipagtagpo kay Pangulong Aleksandar Vucic, ipinahayag ni Pangulong Xi na matibay ang tradisyonal na pagkakaibigan at pagtitiwalaang pampulitika, at mabunga ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Serbia. Nakahanda aniya ang Tsina na pangalagaan, kasama ng Serbia, ang kani-kanilang nukleong interes at pagkabahala, at multilateralismo at katarungang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Vucic na bilang matalik na magkaibigan, pinasasalamatan ng Serbia ang tulong na ibinibigay ng Tsina. Aniya, magsisikap ang Serbia, kasama ng Tsina para ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sa pakikipagtagpo kay Pangulong Raimonds Vējonis, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang pasusulungin ang ugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Latvia, pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng transportasyon, imprastrustura, at iba pa. Umaasa rin aniyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Europa para pahigpitin ang estratehikong pagpapalitan at bukas na pagtutulungan para pabilisin ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Vējonis na pinahahalagahan ng Latvia ang Belt and Road Initiative, at mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at Gitna-silangang Europa. Suportado aniya niya ang pagpapasulong ng ugnayan ng dalawang estratehiya. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapahigpit ng kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Sa pakikipagtagpo kay Punong Ministro Tuilaepa Lupesoliai Sailele Malielegaoi, ipinahayag ni Pangulong Xi na patuloy na susuportahan ng Tsina ang pagsisikap ng Samoa sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Susuportahan din aniya ng Tsina ang Samoa at mga bansa sa Southern Pacific na pangalagaan ang lehitimong interes sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Aniya, pinahahalagahan ng Tsina ang lubusang pagkabahala ng mga Pacific country na kinabibilangan ng Samoa sa isyu ng pagbabago ng klima. Aniya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Samoa at komunidad ng daigdig para pasulungin ang proseso bilang tugon sa pagbabago ng klima ng mundo.
Ipinahayag naman ni Tuilaepa na positibo ang Samoa sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa Tsina at Belt and Road Initiative. Aniya, nakahanda ang Samoa na palawakin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |