Beijing-Nakipag-usap kahapon, Hunyo 29, 2017 si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa kanyang Singaporean counterpart na si Tharman Shanmugaratnam.
Ipinahayag ni Zhang na positibo ang Tsina sa pakikipagtulungan sa Singapore. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore, para ibayong pahigpitin ang pagtitiwalaang pampulitika, magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative, at palakasin ang pragmatikong bilateral na pagtutulungan at multilateral na koordinasyon, upang ibayong pabutihin ang mapagkaibigang relasyong Sino-Singaporean. Ipinahayag naman ni Tharman Shanmugaratnam ang pagbati sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa Tsina. Nakahanda aniya ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang konstruksyon ng tatlong platapormang kinabibilangan ng konektibidad, suportang pinansyal, at "pagtutulungan ng tatlong panig," batay sa balangkas ng Belt and Road Initiative.