Sa pahayag na inilabas kahapon, Martes, ika-28 ng Agosto 2018, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na kung ipapakita ng Hilagang Korea ang kahandaang tupdin ang pangako hinggil sa denuklearisasyon na ginawa nito sa Singapore Summit ng dalawang bansa, nakahanda naman ang Amerika na patuloy na makipagdiyalogo dito.
Nang araw ring iyon, sinabi naman ni Heather Nauert, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ang pagpapaliban ng nakatakdang pagdalaw ni Pompeo sa H.Korea ay kolektibong desisyong ginawa ng national security team ng pamahalaang Amerikano. Dagdag niya, ang denuklearisasyon sa Korean Peninsula ay isang mahaba at mahirap na proseso, at umaasa ang Amerika na makikipagtalastasan sa H.Korea sa angkop na panahon.
Salin: Liu Kai