|
||||||||
|
||
Nakatakdang isaoperasyon ang Guangzhou-Shenzhen-Hong Kong High Speed Rail sa darating na araw ng Linggo, Setyembre 23, 2018.
Ito ang ipinahayag ngayong araw ni Zhang Xiaoming, Direktor ng Tanggapan sa mga Isyu ng Hong Kong at Macao ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina.
Si Zhang Xiaoming
Ani Zhang, salamat sa nasabing express link, magkakaroon ang mga taga-Hong Kong at taga-Chinese mainland ng mas kombinyenteng paraan ng paglalakbay. Magpapahigpit din ito ng pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang lugar para maisakatuparan ang komong kaunlaran, dagdag pa ni Zhang. Makakatulong din ito sa paglahok ng Hong Kong sa konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area at Belt at Road Initiative (BRI).
Ang nasabing high speed rail na may habang 142 kilometro ay nag-uugnay sa Hong Kong at 44 na lunsod ng Chinese mainland. Labing-apat (14) na minuto lang ang paglalakbay mula Hong Kong hanggang Shenzhen, sakay ang bullet train. Samantala, 47 minuto lamang ang kailangan mula Hong Kong papuntang Guangzhou. Maaaring mabili sa platapormang online ang tiket ng tren.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |