Ipinahayag ni Henry Paulson Jr., dating Kalihim ng Tesorerya ng Estados Unidos na matagalang magkasamang umiiral ang alitan at pagkakataon ng Tsina't Amerika sa larangan ng kalakalan. Ang susi rito ay dapat samantalahin ng dalawang bansa ang mga pagkakataon at magkasamang isakatuparan ang kaunlaran sa makatwirang kompetisyon.
Si Henry Paulson Jr.
Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng China General Chamber of Commerce U.S.A. – Chicago (CGCC-Chicago) nitong Miyerkules, Setyembre 19 (local time), inilahad ni Paulson na palagiang nakikinabang ang Tsina't Amerika sa kanilang mainam na relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, pero, dahil sa pag-unlad ng kapuwa bansa, lumilinaw rin ang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa at pangmatagalang iiral ang mga ito.
Ipinagdiinan ni Paulson na sa ilalim ng lumalalang alitang pangkalakalan, napakahalaga ng pagpapalitan ng sektor ng komersyo ng dalawnag bansa. Sa pamamagitan ng pagpapalitan, mapapasulong ang pag-uunawaan sa isa't isa, malulutas ang mga problema at matatamo ang komong kapakinabangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac