Brussels, Belgium—Sa Simposyum ng Relasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina, Europa at Amerika, ipinahayag Setyembre 18, 2018 ni Zhu Guangyao, dating Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina na ang mga hakbanging isinagawa ng Amerika gaya ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino na nagkakahalaga ng halos 200 bilyong dolyares ay lubos na nagpapakita ng unilateralismo at hegemonismo.
Aniya, ang Tsina ay tagalahok, tagabuo, at tagapangalaga ng pandaigdigang sistemang pangkabuhayan, at modernong sistemang pandaigdig. Ang pagtatatag ng kasalukuyang sistemang pandaigdig na pangkabuhayan pagkaraan ng World War II ay nasa patnubay ng Amerika, pero, pinipinsala ngayon ang Amerika sa sistemang ito.
salin:Lele