Ayon sa ulat noong ika-18 ng Setyembre, 2018 ng website ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, magpapataw ng karagdagang taripa sa produkto na nagkakahalagang 60 bilyong dolyares mula sa Amerika simula Setyembre 24.
Anito, ito ay reaksyon ng Tsina sa mga hakbangin ng Amerika. Noong ika-11 ng Hulyo, ipinatalastas ng Amerika na magpapataw ng 10% karagdagang taripa sa mga panindang mula sa Tsina na nagkakahalaga ng halos 200 bilyong dolyares, at muling itinaas ng Amerika ang taripang ito sa 25% noong ika-2 ng Agosto. Noong ika-18 ng Setyembre, ipinatalastas ng Amerika na ipapataw ang 10% karagdagang taripa sa mga iniluluwas na produktong Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares mula ika-24 ng Setyembre, at itataas pa ang taripa sa 25% sa unang araw ng Enero, 2019. Ang mga unilateral na aksyong isinagawa ng Amerika ay dahilan kung bakit lumalala ang alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika, ayon sa Ministri ng Pananalapi ng Tsina, upang maipagtanggol ang malayang kalakalan at multilateral na mekanismo ng daigdig, at pangalagaan ang legal na interes ng bansa, dapat ipataw ng Tsina ang karagdagang taripa sa mga iniluluwas na produktong Amerikano na tinukoy sa isang inilabas na listahan.
Salin:Lele