|
||||||||
|
||
Idinaos ng United Nations (UN) ang memoryal nitong Biyernes, Setyembre 21, sa punong himpilan nito sa New York, bilang paggunita sa namayapang dating pangkalahatang kalihim ng UN na si Kofi Annan. Yumao sa sakit si Annan nitong nagdaang Agosto 18, sa ospital sa Switzerland, sa edad na 80.
Sa pangunguna ni Antonio Guterres, kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng UN, nagtalumpati at lumahok sa memoryal ang mga diplomata, pamilya at kawani ng UN.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Guterres na hindi maihihiwalay ang UN at si Annan. Inilarawan din ni Guterres si Annan bilang multilateralista at tunay na tagasunod sa UN-blue.
Si Antonio Guterres
Si Nane Annan, asawa ni Kofi Annan
Si Kojo Annan, anak ni Kofi Annan
Si Ban Ki-moon, dating pangkalahatang kalihim ng UN
Si Maria Fernanda Espinosa Garces, Presidente ng Ika-73 Sesyon ng UN General Assembly
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |