Yangon — Ipinahayag nitong Martes, Disyembre 6, 2016, ni Kofi Annan, Presidente ng Advisory Commission on Rakhine State at dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na sa loob ng dalawang buwan ng susunod na taon, isusumite ng kanyang komisyon ang interim suggestion sa Pangulo ng Myanmar tungkol sa paglutas sa sagupaan ng mga sibilyan sa Rakhine state.
Noong Agosto, 2016, binuo ng pamahalaan ng Myanmar ang nasabing komisyon at inimbitahan si Annan sa panunungkulan bilang Presidente nito. Layon nitong tulungan ang paglutas sa sagupaan ng mga sibilyan sa naturang estado.
Ani Annan, ang kanyang biyahe sa Myanmar ay upang pakinggan ang pangangailangan at pagkabahala ng pamayanan na may iba't-ibang edad sa Rakhine state. Bilang tugon sa pahayag ng dayuhang media sa umano'y nagaganap na "race massacre" sa Rakhine state, sinabi ni Annan na kapwang napakagrabeng paratang ang "race massacre" at "ethnic cleansing." Kinakailangan aniya ang sapat na batayang pambatas, kung hindi, di-puwedeng basta na lamang gamitin ang mga ito.
Noong Nobyembre 29, 2016, dumating ng Myanmar si Annan para maglakabay-suri sa Rakhine state.
Salin: Li Feng