Ipinadala kahapon, Lunes, ika-20 ng Agosto 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), bilang pagpapahayag ng pakikiramay sa pagyao ni Kofi Annan, dating Pangkalahatang Kalihim ng UN, at sa pamilya ni Annan at UN.
Ipinahayag ni Xi, na si Annan ay matalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino, at sa kanyang termino, lubos na pinalakas ang pagtutulungan ng Tsina at UN. Hinahangaan din ni Xi ang pagtataguyod ni Annan sa multilateralismo, pagpapalakas ng papel ng UN, at pagbibigay-ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Binigyang-diin din ni Xi, na sa kasalukuyang daigdig kung saan dumarami ang mga elemento ng kawalang-katatagan, may praktikal na kahalagahan ang multilateralismo na itinaguyod ni Annan.
Salin: Liu Kai