Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: tatlong kailangang marating na komong palagay hinggil sa reporma ng pandaigdig na sistemang pangkalakalan

(GMT+08:00) 2018-09-22 18:19:55       CRI

Sa susunod na linggo, matatapos ng mahistrado ng World Trade Organization (WTO) na si Shree Baboo Chekitan Servansing ang kanyang termino sa Appellate Body ng organisasyon. Ang Appellate Body, mekanismo ng WTO sa paglutas sa mga alitan sa pagitan ng mga miyembro ng WTO, ay gumaganap ng nukleong papel sa pandaigdigang multilateral na sistemang pangkalakalan. Tulad ng isang korte suprema, ang Appellate Body ay maaaring gumawa ng hatol sa alitan sa pagitan ng mga miyembro ng WTO.

Punong himpilan ng WTO sa Geneva, larawang kuha noong Abril 12, 2018. [File photo: VCG/Fabrice Coffrini]

Noong Agosto 27, bineto ng Estados Unidos ang panunungkulan ni Mahistradong Servansing sa kanyang ikalawang termino. Ito ang 11 buwang singkad na humadlang ang Amerika sa paghirang ng mga mahistrado ng Appellate Body. May pitong luklukan sa Appellate Body. Pero, makaraang matapos ni Mahistradong Servansing ang kanyang termino sa Setyembre 30, tatlong mahistrado lamang ang matitira, at ito ang minimong numero para mangulo sa mga alitang pangkalakalan.

Kung paano maiiwasang pawalang-bisa ang mekanismo ng paglutas sa mga alitan ng WTO ay nagsisilbi ngayong pinakapangkagipitang gawain sa reporma ng WTO. Ang muling pagpapasigla sa multilateral na sistemang pangkalakalan at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng daigdig ay nangangailangan ng pagkakasundo ng mga pangunahing ekonomiya ng daigdig sa tatlong sumusunod na punto.

Una, kailangang magsikap ang iba't ibang panig para tanggalin ang paghahadlang ng Amerika sa paghirang sa mga mahistrado ng Appellate Body. Noong Agosto, 2016, hinadlangan ng Amerika ang pagsisimula ng Appellate Body ng proseso ng pagpili ng mga bagong mahistrado, sa pangangatwirang magdaos ito ng pambansang halalan. Pagkatapos, ilang beses na inilahad ng Amerika na kailangang repormahin ang WTO, pero, wala itong iniharap na konkretong proposal. Ngayong linggo, kapuwa ang European Union (EU) at Canada ay nagpalabas ng balangkas na proposal hinggil sa reporma ng WTO. Kapuwa nila ipinahayag ang pagkabalaha sa nasabing mga ginawa ng Amerika.

Ikalawa, kailangang pigilin ang proteksyonismo at unilateralismo. Sa paglutas sa mga alitan, sa halip ng paggamit ng mekanismo ng WTO, paulit-ullit na tumalima ang Amerika sa mga batas ng bansa at nagpataw ng mga taripa sa mga pangunahing ekonomiya ng daigdig. Bilang tugon, iminungkahi ng EU at Canada na pabutihin ang superbisyon sa mga miyembro ng WTO. Simula ngayong taon, upang pigilin ang unilateralismo at proteksyonismo, magkakahiwalay na nakipag-usap ang EU sa Amerika at ibang mga kasaping bansa ng G20. Kasabay nito, binuo rin ng EU, kasama ng Amerika at Tsina ang mga working group hinggil sa pagrereporma sa WTO.

Ikatlo, kailangang manangan sa prinsipyo ng pagkakasundo sa pamamagitan ng talastasan. Ang reporma ng WTO ay may kaugnayan sa iba't ibang panig. Kaya, kailangang isaalang-alang ang interes ng lahat, at pakinggan at koordinahin ang palagay ng lahat, lalo na ang kuru-kuro ng mga umuunlad na bansa. Tulad ng inilahad kamakailan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang layon ng reporma ng WTO ay mas pantay na magbahagi ang iba't ibang bansa ng mga bunga ng globalisasyon, sa halip na palawakin ang agwat sa pagitan ng Hilaga at Timog ng daigdig.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>