Nag-usap kahapon, Huwebes, ika-17 ng Nobyembre 2016, sa Quito, Ecuador, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rafael Correa ng bansang ito.
Ipinasiya ng dalawang pangulo, na pataasin ang relasyon ng Tsina at Ecuador sa komprehensibo at estratehikong partnership. Anila, gagawing itong bagong simula, palalalimin ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa, palakakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasusulungin ang mas mabuti at mabilis na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Sinang-ayunan nilang palakasin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, galugarin ang potensyal ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, panatilihin ang matatag na paglaki ng bilateral na kalakalan, at pasulungin ang pagpapalagayan at pagkakaibigan ng mga mamamayan.
Sinabi rin ng dalawang pangulo, na palalakasin ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga multilateral na mekanismo, na gaya ng United Nations at G77. Nakahanda rin anila ang dalawang bansa, kasama ng iba pang bansang Latin-Amerikano, na palalimin ang komprehensibo at kooperatibong partnership ng Tsina at Latin-Amerika.
Salin: Liu Kai