Sinabi Setyembre 26, 2018, dito sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, dapat pangalagaan ng iba't ibang panig ang tunguhin ng pagbuti ng kalagayan ng Korean Peninsula, para patingkarin ang konstruktibong papel sa progreso ng pulitikal na paglutas sa isyu ng Korean Peninsula.
Kaugnay nito, idinaos noong ika-25 ng Setyembre, 2018, sa Suzhou, Tsina ang ika-5 Pulitikal na Diyalogo sa Mataas na Antas ng Tsina at Hapon. Narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa komprehensibong pagpapatupad ng mga resolusyon ng United Nations hinggil sa ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula, at sinang-ayunan nilang panatilihin ang mahigpit na kooperasyon para rito.
salin:Lele