Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, Miyerkules ng umaga, ika-19 ng Setyembre 2018, sa Pyongyang, nilagdaan nina Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea at Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea ang Pyongyang Joint Declaration of September. Ipinahayag ng Tsina ang pagtanggap sa bungang ito.
Tungkol dito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na patuloy na magsasagawa ang Hilaga at Timog Korea ng mga may kinalamang deklarasyon at komong palagay, at walang humpay na magsisikap para mapasulong ang pagpapalitan at kooperasyon ng magkabilang bahagi ng Korean Peninsula.
Salin: Lele