SINABI ni Atty. Esmeralda Amora-Ladra, ang nangangasiwa sa Commission on Elections Education and Information Department na tanging huling araw ng pagpapatala ng mga botante bukas.
Ang pagpaparehistro ay para sa darating na halalan sa ika-13 ng Mayo sa susunod na taon. Sinimulang muli ang pagpapatala noong nakalipas na ikalawang araw ng Hulyo ayon sa resolusyong ipinasa noong nakalipas na ika-19 ng Hunyo 2018.
Kailangang magpatala na ang madla bukas. Bibigyan ng konsiderasyon ang mga Senior Citizen, mga may kapansanan at mga nagdadalang-tao upang 'di na mahirapang pumila pa.
Bubuksan ng Comelec ang kanilang mga tanggapan mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon bukas.