Idinaos Setyembre 27, 2018 sa New York ang Foreign Ministers' Meeting ng mga bansa ng BRICS.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na matagumpay na idinaos noong Hulyo ang 2018 Johannesburg Summit ng BRICS. Ito aniya'y nagpapakita ng pagkakaisa ng mga bansang BRICS at kanilang determinasyon sa pagsasakatuparan ng magkasamang pag-unlad. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng BRICS ang pagtutulungan sa apat na larangan: una, patuloy na pangangalaga sa multilateralismo, nukleong papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig, katarungang pandaigdig, at win-win cooperation; ikalawa, pagpapasulong ng paglutas sa mga mainit na isyung pandaigdig sa pamamagitan ng diyalogo; ikatlo, pangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga umuusbong na pamilihang kinabibilangan ng mga bansang BRICS para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad; at ikaapat, ibayong pagpapalakas ng pragmatikong pagtutulungan ng mga bansang BRICS.
Sinang-ayunan ng mga kalahok ang pagsasakatuparan ng komong palagay na narating sa BRICS Johannesburg Summit, pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan para maisakatuparan ang win-win cooperation at 2030 sustainable development agenda ng UN.