Johannesburg, Timog Aprika—Miyerkules, Hulyo 25, 2018, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa BRICS (Brzail, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika) Business Forum, at bumigkas ng talumpating pinamagatang "Pagsunod sa Tunguhin ng Panahon para Maisakatuparan ang Komong Kaunlaran." Binigyang-diin niyang dapat sundin ng mga bansang BRICS ang tunguhin ng kasaysayan, igiit ang kooperasyon at win-win situation, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Tinukoy ni Xi na aktibong pasusulungin ng Tsina ang South-South Cooperation, at masipag na lilikhain ang mas malaking pagkakataon para sa komong kaunlaran ng mga bagong-sibol at umuunlad na bansa. Patuloy aniyang magbubukas ang Tsina sa labas, para likhain ang mas maginhawang kapaligiran ng pamumuhunan. Palalakasin din ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), kusang-loob na palalawakin ang pag-aangkat, at puspusang pasusulungin ang konstruksyon ng Belt and Road, upang hanapin ang bagong espasyo para sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng iba't ibang bansa, at pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development, dagdag pa ni Xi.
Sinabi ni Xi na ang kooperasyong pangkabuhayan ay pinakamahalagang larangan na may pinakamasaganang bunga sa kooperasyon ng BRICS. Umaasa aniya siyang lubos na gagamitin ng mga mangangalakal ang sarili nilang bentahe, at pangangahasan ang reporma at inobasyon para mapasulong ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng 5 bansa ng BRICS, at maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Salin: Vera