Dumalo Hunyo 4, 2018, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) na idinaos sa Timog Aprika.
Ipinahayag ni Wang na nitong 12 taong nakalipas sapul nang itatag ang mekanismo ng kooperasyon ng BRICS, bumubuti ang sistema, tumatatag ang pundasyon, at lumalawak ang larangan. Ito aniya ay lumikha ng bagong yugto ng South-South Cooperasion.
Tinukoy ni Wang na dapat magkakasamang magsikap ang mga bansa para lumikha ng ikalawang "golden decade" ng BRICS, batay sa mas malawak na pananaw, mas malakas na unipikasyon, at mas matatag na pagsasabalikat ng responsibilidad, at nang sa gayo'y, magkakaloob ng mas maraming interes para sa mga mamamayan at magbibigay ng mas malaking ambag para sa pag-unlad ng daigdig.
salin:Lele