|
||||||||
|
||
Nagtalumpati kahapon, Biyernes, ika-28 ng Setyembre 2018, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Council on Foreign Relations, think tank ng Amerika na nakabase sa New York.
Sinabi ni Wang, na malaki ang pagkakaiba ng Tsina at Amerika sa kasaysayan, kultura, sistemang panlipunan, at lebel ng pag-unlad, at kasunod ng paghigpit ng pagpapalagayan at pag-uugnayan ng mga interes ng dalawang bansa, natural ang paglitaw ng mga hidwaan sa pagitan nila.
Tinukoy ni Wang, na ang ugat sa kasalukuyang mga problema sa pagitan ng Tsina at Amerika ay palagay ng maraming kaibigang Amerikano, na habang lumalakas ang Tsina, maghahari-harian ito sa daigdig, hahamunin at hahalinhan ang namumunong posisyon ng Amerika sa daigdig. Ani Wang, ito ay isang malaking maling pagkakaunawa.
Binigyang-diin ni Wang ang pagtahak ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad at paghahangad ng win-win situation sa pamamagitan ng kooperasyon.
Umaasa aniya si Wang, na malinaw at makatuwirang pakikitunguhan ng panig Amerikano ang Tsina, at ituturing ang Tsina, bilang pagkakataon sa halip na hamon, at katuwang sa halip na karibal.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |