Huwebes, Setyembre 27, 2018, humiling si Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa panig Amerikano na ipakita ang katapatan at aksyon sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyon ng hukbong Tsino at Amerikano, batay sa makatarungan at hustong pakikitungo.
Unilateral na ipinatalastas kamakailan ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon sa Equipment Development Department ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina at namamahalang tauhan nito. Pagkatapos nito, pinabalik ng tropang Tsino ang dumadalaw na navy commander sa Amerika. Kaugnay nito, inulit ni Ren ang solemnang paninindigan ng panig Tsino sa pagtutol sa walang batayang sangsyon ng Amerika. Aniya, may ganap na kamalian at kagagawan ang panig Amerikano sa umiiral na problema ng dalawang bansa. Humiling siyang magsikap ang panig Amerikano, kasama ng panig Tsino, para itatag ang relasyon ng dalawang hukbo bilang stabilizing factor ng relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng aksyong probokatibo ng military aircraft ng Amerika sa South China Sea, ipinahayag ni Ren ang pagtutol ng panig Tsino. Aniya, isasagawa ng kanyang bansa ang kinakailangang hakbangin para maayos na hawakan ang isyung ito.
Salin: Vera