Sa kanyang talumpati Washington D.C. nitong Lunes, Oktubre 1 (local time), 2018, ipinahayag ni Christine Lagarde, Managing Director (MD) and Chairwoman ng International Monetary Fund (IMF), na sinimulang magbago ang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, at nagiging mas masama ang prospek ng paglaki ng kabuhayan kumpara sa nagdaang Hulyo. Aniya, dapat matyagan ang mga pinsala sa kalakalan, pamumuhunan, at industriya ng paggawa na dulot ng trade barriers. Nanawagan din siya sa iba't-ibang bansa na magkakasamang pabutihin ang pandaigdigang sistemang pangkalakalan.
Ayon sa ulat, gaganapin ang Taunang Pulong ng IMF at World Bank (WB) mula Oktubre 8 hanggang 14 sa Bali Island, Indonesia. Sa bisperas ng pulong, mula Oktubre 1, nagsimulang magkakasunod na ilabas sa Washington D.C. ng IMF ang mga ulat na kinabibilangan ng "Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig," at iba pa.
Salin: Li Feng