Sa isang artikulong ipinalabas Martes, Oktubre 2, 2018, ng Korean Central News Agency, ipinahayag nito na ang deklarasyon ng Pagtitigil-digmaan ay pinakamasusi at pinakamahalagang hakbangin para maitatag ang bagong relasyon ng Hilagang Korea at Amerika, at sistemang pangkapayapaan sa Korean Peninsula. Hindi ito kondisyon sa denuclearization talks, anito pa.
Anang artikulo, upang maisakatuparan ang magkasanib na pahayag ng Summit ng North Korea at Amerika, walang humpay na isinasagawa ng Hilagang Korea ang mga substansiyal na hakbangin. Ngunit hindi itinitigil ng Amerika ang ipinapataw na sangsyon laban sa Hilagang Korea. Kung talagang nais lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula, dapat tumpak na alamin ang pinag-uugatang historikal at substansya nito, dagdag pa nito.
Salin: Li Feng