Nang kapanayamin siya ng mediang Amerikano sa New York, ipinahayag Setyembre 25, 2018, ni Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea na may pag-asang magtatagpo sina Donald Trump, Pangulo ng Amerika at Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea sa katapusan ng taong ito.
Sinabi ni Moon na nagtagpo kamakailan siya at si Kim Jong Un, at nananalig siyang magsisikap ang lider ng Hilagang Korea para maisakatuparan ang target na non-nuclear Korean Peninsula. Kung maaaring magsagawa ang Amerika ng may kinalamang hakbangin para mapalalim ang pagtitiwalaan sa isa't isa, nananalig aniya siyang maaaring pabilisin ang proseso ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula. Aniya pa, nangako na ng Amerika na ititigil ang ostilong relasyon ng Amerika at Hilagang Korea, at itatatag ang bagong relasyon ng dalawang bansa.
salin: Lele