Ayon sa National Agency for Disaster Management ng Indonesya, hanggang kahapon, Martes, ika-2 ng Oktubre 2018, 1234 na katao ang nasawi sa malakas na lindol at tsunami na dulot nito sa lalawigang Central Sulawesi ng bansang ito, 799 na katao ang nasugatan, at 99 iba pa ang nawawala.
Sinabi rin ng naturang ahensiya, na dahil hindi pa naiuulat ang kalagayan sa ilang apektadong lugar, lalaki pa ang bilang ng kasuwalti at kapinsalaan. Kulang pa sa tubig-inumin, pagkain, tolda, kumot, damit, gamot, at tauhang medikal ang mga apektadong lugar. Ipinatalastas na ang 14-araw na state of emergency sa Central Sulawesi.
Samantala, ayon naman sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affair, sa kasalukuyan sa mga apektadong lugar sa Central Sulawesi, nangangailangan ng pangkagipitang makataong tulong ang mahigit 191 libong tao, na kinabibilangan ng 46 na libong bata, at 14 na libong matatanda.
Salin: Liu Kai