|
||||||||
|
||
Kung ihahambing sa nagsosolong pagpapasulong ni Trump ng unilateralismo at kapangyarihang pulitikal, mas malakas ang tinig hinggil sa pangangalaga sa multilateralismo.
Sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, na ngayon ay panahon na lubos na kinakailangan ang multilateralismo, at ang kolektibong aksyon ay siyang tanging solusyon sa mga grabeng hamon sa kasalukuyang daigdig. Nanawagan si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sa iba't ibang bansa, na huwag payagan ang "law of the most powerful." Nanawagan si Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey para pasulungin ang kapayapaan at kasaganaan sa buong daigdig. Nanawagan si Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika para magkakasamang pigilan ng iba't ibang bansa ang anumang aksyong makakapinsala sa globalismo at kalakalang pandaigdig. Ipinahayag naman ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat pangalagaan ang nukleong papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig, para magbigay ng mas maraming elemento ng katatagan sa daigdig.
Ang pahayag ni Trump ay pinuna din ng media. Sinabi ng artikulo ng pahayagang Financial Times ng Britanya, na ang UN ay dapat maging lugar kung saan kinakatigan ang kooperasyong pandaigdig, at ang ginawa ng administrasyon ni Trump ay nagbigay ng masamang halimbawa sa ibang bansa.
Pagkaraan ng World War II, ang Amerika ay pangunahing tagapagtatag at kalahok sa pandaigdig na kaayusang pangkabuhayan at multilateral na sistemang pangkalakalan. Pero paglipas ng mahigit 70 taon, isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon ng Amerika ang labis na egoism, sa pangangatwiran ng America First. Tumiwalag ito sa mga pandaigdig na kasunduan at organisasyon, na gaya ng Trans-Pacific Partnership Agreement, Paris Climate Agreement, kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, UN Human Rights Council, International Criminal Court, at iba pa. Inilunsad din nito ang digmaang pangkalakalan sa buong daigdig, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng taripa sa mga aangkating produkto mula sa ibang bansa. Ang mga aksyong ito ng Amerika ay makakapinsala sa multilateralismo at Karta ng UN, at hahadlang din sa pag-unlad ng buong sangkatauhan. At siyempre, tinututulan ito sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |