|
||||||||
|
||
Ang kasabihang ito ay nagpapakita ng laging paggigiit ng mga Tsino sa inobasyon. Noong sinaunang panahon, nanguna minsan ang Tsina sa daigdig sa mga aspekto, na gaya ng astronomiya, kalendaryo, nabigasyon, matematikas, at iba pa. Kilalang-kilala rin ang apat na kahanga-hangang imbento ng Tsina, na kinabibilangan ng papermaking, gunpowder, priniting technique, at compass.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 40 taong nakararaan, lalung-lalo na nitong ilang taong nakalipas, dahil sa pambansang estratehiya ng pagpapasigla ng inobasyon, natamo ng mga Tsino ang marami pang bunga, na gaya ng Five-hundred-meter Aperture Spherical radio Telescope, x-ray space telescope na tinatawag na Insight, quantum science experiment satellite na tinatawag na Micius, Jiaolong manned deep-sea research submersible, sariling pagyari ng C919 malaking eroplanong pampasahero, high-speed railway, pagkuha ng natural gas hydrate sa dagat, pagtatanim ng sea rice, mga plataporma ng mobile payment ng Alipay at WeChat Pay, at iba pa.
Noong 2017, umabot sa 57.5% ang contribution rate ng progresong pansiyensiya at panteknolohiya sa paglaki ng kabuhayang Tsino. Halos 1.4 milyon ang bilang ng mga aplikasyon para sa patent of invention sa Tsina, at ang bilang na ito ay nasa unang puwesto sa daigdig nitong nakalipas na 7 taong singkad. Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok ang Tsina sa unang 20 puwesto ng Global Innovation Index ng World Intellectual Property Organization.
Ang bunga sa inobasyon ng Tsina ay kinikilala rin sa komunidad ng daigdig. Sinabi minsan ni Klaus Schwab, Founder at Executive Chairman ng World Economic Forum, na tumatahak na ang Tsina sa landas ng paglikha ng lipunang nagtatampok sa inobasyon. Tinukoy naman ng National Science Foundation ng Amerika, na ang Tsina ay naging ikalawang pinakamahalagang bansa ng pananaliksik at pagdedebelop sa Tsina, at ang laang-gugulin nito sa aspektong ito ay malapit sa kabuuang bolyum ng Unyong Europeo.
Pagdating sa inobasyon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na igigiit ng kanyang bansa ang sarilinang inobasyon, at lalahok din sa pandaigdig na sistema ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, para magbigay ng sariling talino at ambag.
Itinuturing na ng Tsina ang inobasyon bilang saligang landas ng kaunlarang pansiyensiya at panteknolohiya ng bansa. Bilang isang responsableng malaking bansa, nakahanda rin ang Tsina na makipagkooperasyon sa sirkulo ng siyensiya at teknolohiya ng daigdig, para magbigay ng bagong ambag sa progresong pansiyensiya at panteknolohiya ng buong daigdig at pag-unlad ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |