Lunes, Oktubure 8, 2018 ay araw ng ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag nang araw ring iyon sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na gawing pagkakataon ang okasyong ito, para balakin nila ng ASEAN ang blueprint ng ibayo pang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang panig, walang humpay na pataasin ang lebel ng pragmatikong kooperasyon, itatag ang mas mahigpit na community with a shared future, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.
Salin: Vera