Sinimulan ngayong araw, Lunes, ika-8 ng Oktubre 2018, sa Beijing, ang 6-araw na unang ASEAN Youth Camp to China na may temang "Discover China."
Bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang aktibidad na ito ay itinaguyod ng Misyon ng Tsina sa ASEAN.
Kalahok dito ang 23 guro at estudyante mula sa departamento ng pamamahayag ng mga pamantasan ng 10 bansang ASEAN at opisyal ng ASEAN Secretariat. Bibisita sila sa Beijing at lalawigang Sichuan.
Salin: Liu Kai