Lunes, Oktubre 8, 2018, sa okasyon ng ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nagpadala si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ng mensaheng pambati kay Dato Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Anang mensahe, sapul nang itatag ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, walang humpay na pinalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, at lipunan. May impluwensiyang panrehiyon at pandaigdig ang relasyon ng kapuwa panig, at nagsilbi itong pinakamatagumpay at pinakamasiglang modelo ng kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Anang mensahe, nakahanda si Wang, kasama si Lim, na gawing pagkakataon ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership, aktibong ipatupad ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng kapuwa panig, pasulungin ang pagtatamo ng relasyong Sino-ASEAN ng bagong breakthrough, at itatag ang mas mahigpit na China-ASEAN community with a shared future.
Salin: Vera