Ipinahayag Oktubre 8, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinasubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng lindol at tsunami sa lalawigang Sulawesi, Indonesya. Aniya, ayon sa kahilingan ng Indonesya, ihahatid ng Tsina ang mga makataong materyal na kinabibilangan ng tolda, paglinis sa tubig, at iba pa sa purok-kalamidad, sa ika-9 ng buwang ito. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pakikipagpalitan sa Indonesya, at magbibigay-tulong sa gawain ng pagliligtas, paghahanap at rekonstruksyon.
Sinabi ni Lu na nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, para sa pakikiramay sa mga mamamayang Indones na apektado ng kalamidad. Nagpadala rin ng mensahe si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya. Samantala, nagbigay ang China Red Cross ng tulong na pondo sa panig Indones.