Sa pag-uusap, Hunyo 10, 2018 sa Qingdao nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia, tinukoy ni Pangulong Xi na bilang mapagkaibigang kapitbansa, ang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong pagtutulungan ng Tsina at Mongolia ay angkop sa pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Mongolia para ibayong pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, batay sa prinsipyo ng pagtitiwalaan, pagtutulungan at win-win situation. Tinukoy ng pangulong Tsino na bilang bansang tagamasid ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng Mongolia para pataasin ang pakikipagtulungan sa SCO.
Ipinahayag naman ni Pangulong Battulga na nakahanda ang Mongolia na magsikap para pataasin ang pakikipagtulungan sa SCO. Positibo aniya ang kanyang bansa sa mahalagang ambag ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Hilagang-Silangang Asya. Aniya, ang pagpapasulong ng mapagkaibigang pakikipagtulungang may matuwal na kapakinabangan sa Tsina ay nagsisilbing priyoridad sa patakarang panlabas ng Mongolia.