|
||||||||
|
||
Sa isang panayam sa Qingdao, probinsyang Shandong ng Tsina, inilahad Linggo, Hunyo 10, 2018, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga natamong bunga sa Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit sa Qingdao.
Ipinahayag ni Wang na kung ihahambing sa mga dating SCO Summit, naging pinakamalawak, may pinakamataas na lebel at pinakamaraming bunga ang SCO Summit sa Qingdao. Ito aniya ay nakalikha ng serye ng rekord ng organisasyong ito.
Idinagdag ni Wang na ang nasabing summit ay unang pagtitipon pagkaraan ng ekspansyon ng SCO. Sa pangungulo ni Pangulong Xi Jinping, sinariwa ng mga lider ng iba't-ibang bansa ang mga natamong bunga nitong 17 taong nakalipas sapul nang maitatag ang SCO. Komprehensibo nila aniyang pinagplanuhan ang direksyon ng pag-unlad ng organisasyon, at narating ang isang serye ng mahalagang komong palagay.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |