|
||||||||
|
||
Nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't-isa Linggo, Agosto 12, 2018, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda sa kasunduang pangkapayapaan at pangkaibigan ng Tsina at Hapon.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na nitong 40 taong nakalipas sapul nang lagdaan ang nasabing kasunduan, natamo ng relasyong Sino-Hapones ang kapansin-pansing progreso. Ito aniya ay nakakapaghatid ng magandang kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakakapagbigay ng ambag para sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig.
Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Hapones para mapangalagaan ang pundasyong pulitikal; mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan; maayos na hawakan ang pagkakaiba; at mapasulong ang pangmalayuan, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Shinzo Abe na may mahalagang responsibilidad ang dalawang bansa para sa kapayapaan at kasaganaang panrehiyon't pandaigdig. Aniya, dapat patuloy na palalimin ng dalawang panig ang kooperasyon upang magkasamang resolbahin ang iba't-ibang uri ng hamong kinakaharap ng komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |