|
||||||||
|
||
Berlin, Alemanya—Lunes ng gabi, Hulyo 9, local time, magkasamang dumalo at nagtalumpati sa Ika-9 na Porum hinggil sa Kooperayong Pangkabuhaya't Panteknolohiya ng Tsina at Alemanya sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Si Premyer Li Keqiang ng Tsina, habang nagtatalumpati sa Ika-9 na Porum hinggil sa Kooperayong Pangkabuhaya't Panteknolohiya ng Tsina at Alemanya
Ipinahayag ni Li na nananatiling komprehensibo, matatag at malusog ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Aleman, bagay na nakapagpatingkad ng lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhayan ng dalawang bansa, maging ng daigdig. Dagdag pa niya na ang kooperasyong pangkabuhaya't panteknolohiya ng dalawang bansa ay depende sa malaya't bukas na kapaligiran ng kalakalan at pamumuhunan.
Inulit ng kapuwa panig na magkasamang pangangalagaan ang malayang kalakalan, buong tatag na tututulan ang unilateralismo at proteksyonismo, at pangangalagaan ang sistema ng multilateral na kalakalan na ang pundasyon nito ay regulasyon.
Ipinahayag naman ni Merkel na ang trade war ay hindi lamang may epekto sa lahat ng mga bansa, kundi nakakapinsala rin sa kapakanan ng iba't ibang bansa. Nakahanda aniya ang panig Aleman, kasama ng panig Tsino, na magkasamang katigan ang malayang kalakalan, at tutulan ang proteksyonismong pangkalakalan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |