Idinaos kahapon, Biyernes, ika-12 ng Oktubre 2018, sa Vientiane, Laos, ang Ika-10 ASEAN Law Ministers Meeting.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Bounthong Chitmany, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, na dapat buuin ng ASEAN ang mas mabisang sistemang pambatas, at palakasin ang koordinasyon sa aspekto ng batas, para bigyang-ginhawa ang kooperasyon ng mga bansang ASEAN sa iba't ibang aspekto, at pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga nakatakdang target ng ASEAN.
Tinalakay naman ng mga kalahok na opisyal mula sa departamento ng katarungan ng iba't ibang bansang ASEAN, ang 13 paksa sa larangan ng batas. Nilagdaan din nila ang Treaty on Mutual Legal Assistance in Criminal Matters, at ginawa ang panukala ng Model ASEAN Extradition Treaty.
Salin: Liu Kai