Idinaos Setyembre 10, 2018 sa Jakarta, Indonesia ang resepsyon ng diplomatic corps ng Tsina sa ASEAN para sa Moon Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina at promosyon hinggil sa "Belt and Road Initiative." Dumalo sa pagtitipon si Jiang Qin, Charge d'affair ng Tsina sa ASEAN, kanyang mga counterpart mula sa 10 bansa ng ASEAN, Hapon, Timog Korea, Amerika, Australia, Singapore, Unyong Europeo, Kanada, mga kinatawan ng media, at iba pa.
Sa pagtitipon, inilahad ni Jiang ang tagumpay na natamo sa konstruksyon ng Belt and Road, nitong limang taong nakalipas. Samanatala, sinagot din niya ang mga tanong kaugnay ng usaping ito.