Sinimulan ngayong araw, Lunes, ika-10 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ang Ika-7 ASEAN Plus Three Village Leaders Exchange Program. Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ang halos 80 tauhan, na kinabibilangan ng mga opsiyal at dalubhasa mula sa 9 na bansa ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, at Timog Korea, at mga kinatawan ng Sekretaryat ng ASEAN at ASEAN-China Center.
Sinabi ni Zuo Changsheng, Puno ng International Poverty Reduction Center in China, tagapag-organisa ng programang ito, na sa isang linggong aktibidad, magpapalitan ang mga kalahok ng karanasan sa pagbabawas ng kahirapan sa kanayunan, pagpapaunlad ng agrikultura, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga magsasaka. Ayon pa rin sa kanya, bibisita rin ang mga kalahok sa ilang nayon sa Beijing, para makita ang mga kaso ng konstruksyon ng bagong kanayunan sa Tsina.
Ulat/Larawan: Wang Le
Salin/Web editor: Liu Kai