Ang librong pinamagatang Sa Pagpapasulong ng Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan para sa Sangkatauhan ay inilimbag at sinimulang ilunsad ngayong araw, Oktubre 14, sa buong Tsina.
Mababasa sa nasabing libro ang 85 kinauukulang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina mula noong Enero 28, 2013 hanggang Hunyo 22, 2018.
Ang pagharap ng Tsina ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan ay sumasalamin sa pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at estratahiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan. Ipinakikita rin nitong palagiang nagsisilbi ang Tsina bilang tagapagtatag ng pandaigdigang kapayapaan, tagapag-ambag ng pandaigdigang kaunlaran, at tagapag-alaga sa pandaigdigang kaayusan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio