Shanghai, Tsina—Binuksan Lunes, Setyembre 17, 2018 ang World Artificial Intelligence Conference.
Sa kanyang liham na pambati, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na masiglang umaahon sa buong mundo ang artificial intelligence sa bagong henerasyon, bagay na nakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at malalimang bumabago sa paraan ng produksyon at pamumuhay ng mga tao. Aniya, kailangang palalimin ng iba't ibang bansa ang kooperasyon, at magkasamang talakaying kung paano sasamantalahin ang pagkakataong ito, at maayos na hawakan ang bagong paksang dulot ng artificial intelligence sa mga aspektong gaya ng batas, katiwasayan, hanap-buhay, aspektong moral, pagsasa-ayos ng pamahalaan at iba pa. Nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na pasulungin ang pag-unlad ng artificial intelligence, at tamasahin ang bunga sa larangang ito, dagdag pa ni Xi.
Salin: Vera