Ipinadala ngayong araw, Miyerkules, ika-19 ng Setyembre 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa 2018 International Day of Peace aktibidad na idinaos ngayong araw sa Nanjing, lunsod sa silangan ng bansa.
Sinabi ni Xi, na buong tatag at di-magbabagong tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Dagdag niya, walang humpay na magbibigay-ambag ang Tsina sa pagpapasulong ng pandaigdig na kapayapaan, pagsasakatuparan ng kaunlaran ng buong mundo, at pangangalaga sa kaayusang pandaigdig.
Salin: Liu Kai