|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa hilagang silangan ng Tsina, ipinatawag kahapon, Biyernes, ika-28 ng Setyembre 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, ang pulong hinggil sa rebitalisasyon ng naturang rehiyon. Lumahok sa pulong ang mga namamahalang tauhan ng mga lokal na pamahalaan ng mga lalawigang Liaoning, Jilin, Heilongjiang, at Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.
Binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng muling pagpapasigla ng rehiyong hilagang silangan para sa pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng Tsina, at ipinahayag niya ang pagkatig dito ng partido at pamahalaan.
Iniharap din ni Xi ang mga kahilingan sa usaping ito, na gaya ng pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, pagbuo ng mga bagong lakas na tagapagpasulong sa kabuhayan, pagsasakatuparan ng koordinadong pag-unlad, pagpapalakas ng konstruksyong ekolohikal, pagpapalalim ng paglahok sa pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |