Sabado, Oktubre 13, 2018, sinabi ni Salvador Panelo, Tagapagsalita ng Malacanang, na ang paghalal sa Pilipinas bilang isa sa 47 kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ay nagpapakitang kinikilala ng UN ang paggalang ng pamahalaan ng Pilipinas sa karapatang pantao.
Sa sesyong plenaryo ng Ika-73 Pangkalahatang Asamblea ng UN nitong Biyernes, Oktubre 12, nahalal ang 18 bagong miyembro ng UNHRC. Kabilang sa 192 kasapi ng UN na kalahok sa pagboto, 165 ang sang-ayon sa pagkuha ng Pilipinas ng luklukang ito.
Pinasalamatan at pinurihan ni Panelo ang UNHRC at mga kasaping kumakatig sa aplikasyon ng Pilipinas. Aniya, ipinalalagay nilang ang human rights value na iminungkahi ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tunay na reaksyon sa pangangailangan at hangarin ng mga Pinoy. Inaasahan din nilang mamumuhay nang mas maganda't may dignidad ang mga Pilipino, dagdag pa ni Panelo.
Ipinahayag din niya na ang pagkakuha ng Pilipinas ng luklukan sa UNHRC ay tila pagkondena sa mga taong bumabatikos sa kampanya ng Pilipinas laban sa iligal na droga. Diin niya, layon ng digmaang ito na lipulin ang mga drug dealer, para maging ligtas ang mga mamamayang Pilipino.
Salin: Vera