|
||||||||
|
||
Manila—Binuksan, Lunes, Abril 16, 2018 sa SM Megamall, Lunsod ng Mandaluyong, Metro Manila, ang eksibisyong panlarawan na "The Beauty of Fujian," kung saan ipinakikita ang mga magagandang tanawin ng lalawigang Fujian, Tsina.
Bumigkas ng talumpati si Julius Caesar Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiamen
Ipinahayag ni Julius Caesar Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiamen, na layon ng nasabing pagtatanghal na ipakita sa mga Tsinoy ang mga magagandang tanawin ng kanilang lupang tinubuan.
Ito aniya ay nagpapasulong ng pagpapalitan ng dalawang bansa sa kultura.
Nanood ang eksibasyon nina Luo Gang, Counsellor at Consul General ng Embahadang Tsino at Julius Caesar Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiamen
Ang nasabing pagtatanghal ay itinaguyod ng Konsulada ng Pilipinas sa Xiamen ng Tsina at tatagal ito mula ika-16 hanggang ika-22 ng buwang ito.
Bukod sa Manila, idaraos din ang ganitong pagtatanghal sa ibang mga lugar ng Pilipinas na gaya ng Cebu at Calamba.
Halos 90% ng mga overseas Chinese sa Pilipinas ay galing sa Fujian ng Tsina.
Sulat: Ernest
Larawan: Sissi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |