Idinaos Lunes, Oktubre 15, 2018 sa Panmunjom ang pag-uusap sa mataas na antas nina Cho Myoung-Gyon, Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea, at Ri Son-gwon, Tagapangulo ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea. Tinalakay ng kapuwa panig ang pagpapatupad ng mga konkretong hakbangin ng "Pyongyang Joint Declaration of September" na isinapubliko ng mga lider ng dalawang bansa.
Sina Cho Myoung-Gyon (kanan), Ministro ng Unipikasyon ng Timog Korea, at Ri Son-gwon (kaliwa), Tagapangulo ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea
Binabalak ng kapuwa panig na idaraos ang seremonya ng pagsisimula ng pagdugtong ng mga daambakal at lansangan ng dalawang bansa at proyekto ng modernisasyon, sa katapusan ng Nobyembre o unang dako ng Disyembre. Idaraos din ang pag-uusap sa palakasan, para talakayin ang hinggil sa magkasamang pagbibid sa 2032 Summer Olympic Games.
Ipinasiya rin ng kapuwa panig na isasagawa ang pagsasanggunian tungkol sa mga suliraning may kinalaman sa pagdalaw ng grupong pansining ng Hilagang Korea sa Timog Korea, at kooperasyon nila sa industriya ng panggugubat at larangang pangkalusugan at medikal.
Salin: Vera