Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency, sa pagtatagpo kahapon, Linggo, ika-7 ng Oktubre 2018, sa Pyongyang, nina Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sumang-ayon silang idaos sa lalong madaling panahon ang working-level talk bilang paghahanda sa ika-2 summit ng Hilagang Korea at Amerika.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Kim ang pananalig, na sa pamamagitan ng ika-2 summit, matatamo ng Hilagang Korea at Amerika ang malaking progreso sa paglutas sa mga isyung pinahahalagahan ng buong daigdig at pagsasakatuparan ng mga target na iniharap sa unang summit.
Ayon naman sa ulat ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, sa panahon ng pagdalaw ni Pompeo, iniharap din ng Hilagang Korea ang mungkahi hinggil sa pag-anyaya sa mga tagapagsiyasat na magpunta sa winasak na Punggye-ri Nuclear Test Facility, para siguraduhing hindi na maaring tumakbo muli ang pasilidad na ito.
Salin: Liu Kai