Nagtagpo kahapon, Sabado, ika-6 ng Oktubre 2018, sa Tokyo, sina Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga paksang babanggitin ni Pompeo sa kanyang pagdalaw sa Hilagang Korea na nakatakdang gawin ngayong araw.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na ipatupad ang mga resolusyon ng United Nations Security Council hinggil sa pagpapataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea, at panatilihin ang mahigpit na kooperasyon ng Amerika, Hapon, at Timog Korea, para pasulungin ang pagsasagawa ng Hilagang Korea ng mga konkretong aksyon ng denuklearisasyon.
Salin: Liu Kai